Sa shoe store, naranasan mo na ba na ilang taong gumamit ng sapatos na panlalaki dahil iyon lang ang kasya sa mataba mong paa? at nang medyo sinuwerte, nakakapagsuot na ng mga sandals na pambabae kaya lang pinilit lang na ipagkasya!
Tapos nararanasan mo ba 'yung 'pag may group picture kunware lilikod ka para lang matakpan 'yung katawan mo or hindi tatabi sa mas maliit sayo kasi nagmumukha kang si Hagrid sa Harry Potter..
Ilan lamang 'yan sa mga karanasang maaaring makapagpababa sa self confidence ng isang tao.
Minsan naiisip natin na sana iisa na lang ang size ng tao noong nilikha tayo ng Diyos. Sabi nila dapat equal. Pero paano magiging equal, halimbawa na lang, kung walang mayaman na may-ari, walang magpapasahod sa hindi mayamang trabahador. Aanhin ng mananahi ang mga damit na kaniyang ginagawa kung walang bibili kasi lahat ng tao sa mundo mananahi? Kumbaga ganon ang cycle kaya hindi "daw" pwedeng maging equal. Pero paano kung walang mataba, lahat payat lang. Ano naman ang pakinabang ng isang matabang tao sa isang payat na tao at vise versa? Wala namang mawawala kung lahat ng tao nilikhang payat o kung lahat ay mataba.

Minsan akong nagpost sa Facebook kung sino ba ang nagsabi na nag pagiging mataba ay isang maasama o negatibong bagay. At nag-comment ang isang butihing kaibigan na dahil raw sa "Ms. UNiverse". Hmm napaisip ako bigla . Siguro naging salik lang ang timpalak na ito para sambahin ng mga tao ang mga taong may mga ganoong hubog ng katawan..
Minsan nga nakakatawa, oo ang sexy mo, pero ang face at ang ugali patapon. Pero sa iba, hindi na mahalaga iyon, SEXY NAMAN EH. "yan ang laging dahilan.
Pero kung maganda ang mukha, matalino, talented, uliran, god-fearing tapos mataba, wala! tabon na tabon lahat ng magagandang katangian na nauna.
Syempre, minsan 'yung iba sa atin, gusto tumulad sa mga katawan na 36-24-37 ang vitals pero hindi ganoon kadali.
Ang isang buwan ng diet ay pwedeng mabalewala sa isang araw na lamon!
Bakit kailangan na mas mahalaga para sa iba ang panlabas na anyo kaysa sa kabutihan ng puso nito?
Ikaw kaibigan, naisip mo ba na baka minsan nakasakit ka ng damdamin ng tao dahil sa panlabas na anyo nito? At minsan naisip mo ba na baka ikaw ang sia sa mga dahilan kung bakit, ayaw niya ng magpakita sa mundo? Baka kasi 'pag dumating ang panahon na magtagumpay siya na kamtin ang nais niya, sa'yo naman ang karma! :)
Mag-isip tayo. :)